Miyerkules, Setyembre 3, 2014

Wika ng Pagkakaisa

Wika ng Pagkakaisa



Ang Wikang Filipino ay ang ating Pambansang Wika. Matagal na ito sa ating tabi, hindi lang natin ito namamalayan. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa salitang Tagalog. Ngunit marami parin sa atin ang hindi nakikiisa sa paggamit nito. Hindi nila alam na dahil dito magtatagumpay tayo sa pagkakaisa sa pagbangon ng ating Inang Bayan. Ngayong buwan ng Agosto ating ipinagdidiriwang ang Buwan ng Wika, bilang gunita sa Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon.

Sa panahon natin ngayon, marami nang kabataan ang hindi gumagamit sa ating sariling wika. Dahilan sa maliit ang tingin nila sa ating wika, na mas magandang gamitin raw ang Unibersal na Wika ang wikang Ingles. Ginagamit nila ito para daw mas sosyal! Pero lahat ng kanilang kuro-kuro ay walang katotohanan, dahil ang pagiging sosyal ay nakikita sa pagmamahal mo sa sariling iyo.Ang mga kabataan ay sapat magkaisa dahil tayo ang pag-asa ng ating Inang Bayan. Mga bayani ay nagkaisa para labanan ang mga malulupit na Dayuhan para ang Wikang Filipino ang dapat manaig ditto sa ating Inang Bayan. At wala ng iba pa. Nagawa nga nila, pero hindi nila inisip ang hirap na ginawa n gating mga Bayani para ang Wikang Filipino ang siyang ating gamitin. Kung kayat imulat ninyo ang inyong mga mata, dahil tayo ang unang magsusulong nito. At dahil tayo ay mga Pilipino. At alamin na ang tunay na kalagayan n gating Inang Bayan.
     
Sa maliit na bagay gaya ng pagbigkas nito ibig sabihin nito nakikiisa na tayo sa pagbangon. Mahalin at gamitin ito para sa ikauunlad n gating Inang Bayan. Huwag na tayong magaksaya ng oras at panahon, bigkasin mo na ngayon. Hindi mo na ipagpabukas o pabayaan pa dahil minsan lang tayo mabuhay sa mundogn ito. Malay mo baka oras mo na dito sa mundong ito. Hindi mo pa naibigkas ang ating Wika. Dahil malaking kawalan ang hindi mo pagbigkas sa ating sariling Wika.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento